Pasko sa Filcom
Each year, the Filipino Community Center celebrates the holidays with a Pasko. This included games, crafts, holistic Filipino traditional health, food, music, and dancing. And of course, a karaoke contest.
![]() |
| Some of the friends I recruited for the Pasko. Do they look familiar? |
![]() |
| Lori & Scott Hurd, two more friends that participated. They are missionaries with the Church of Jesus Christ of Latter Day Saints, located in Waipahu |
Pasko Sa Puso
By Dr Marlon Parato
Copyright © 2025 All Rights Reserved
Ano ba ang Diwa ng Pasko? Napag isip ako.
Sa buhay na maraming pagbabago.
Sa bilis ny panahon kung tumakbo.
Sa mga bagay na paroon at parito.
Nalilito ako sa tunay na diwa ng Pasko
Makikinang na ilaw, masasayang tugtugin.
Magarang kasuotan
sa pasko ay susuutin.
Pagtitipon, Kainan, kwentuhan at may katahan din.
Sa piling ng mga kaibigan wala ng hahanapin.
Ang saya ng Pasko! Ang Pasko ay dumating na!
Parol na nakasabit, pinagmamasdan sa tuwina !
Regalong aking ibibigay at regaling naghihintay na.
Sa piling ng mahal sa buhay may sigla at saya.
Lalo na’t
namasyal pa sa lugar na maganda.
Subalit ano nga
ba ang diwa Pasko ?
Sa gitna ng pagka
abala napag isip ako.
Ito bay araw ng
kasiyahan kaya dapat magpakasaya ?
Ikaw ay imbitado
kaya’t dumalo ka?
Panahon ng
pagbibigayan kaya’t mag regalo ka?
Ano ba ang Pasko,
ito ba’y mahalaga?
Ang aking pagatatanong, napadpad sa Panalangin.
Sa kaulugan ny Pasko, ako po ay gabayin.
Buksan ang aking puso’t isipan at ako ay gamitin.
At nawa ang tunay na Pasko ang maghari sa akin.
Ang Diwa ng Pasko ay diwa nang Pag ibig.
Magmahal ka dahil ikaw ay unang inibig.
Magbigay ka dahil ikaw ay biniyayaan.
Magpatawad ka dahil mga kasalanan mo’y kanyang kinalimutan.
Buhay ialay para sa Diyos dahil ang Diyos ang nagbigay ng
Buhay.
Sa darating na Pasko, ay alam ko na!
Pananampalataya sa Diyos at pagmamahal sa kapwa.
Higit pa sa regalo at ingay ng saya.
Pag ibig ng Diyos taglay ay pag asa.
Merry Christmas Everyone!



.jpg)

Comments
Post a Comment